Ang mundo noo'y isang magandang bahaghari
at kung pagmamasdan mo'y, luha mo'y mapapawi,
ngunit ngayon, sa aking bawat pagtingin,
ay tila umiiyak pati na ang hangin.
Ang lupa noon ay malusog at luntian,
ang mga hayop doon ay naghahabulan,
ang mga dagat ay kumikinang at bughaw,
at naipipinta ng papalubog na araw
Ngunit sa paglipas ng mga taon
ang mundo nati'y sa dumi nababaon
sa pagpasok ng ating bagong dantaon,
subukang sa dusa tayo ay umahon
Dahil dating larawang naipipinta,
ngayon, bula na lamang na nawalang bigla,
dating bahagharing kumukulay sa mata,
ngayon ay pumapatak na itim na luha.
(Rainbow.) For Environment Conservation.